MANILA, Philippines - Kinondena ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang ginawang “investment†ng Government Service Insurance System (GSIS) sa pondo ng mga empleyado ng pamahalaan sa “Leisure & Resorts World Corp. (LRWC).
Sinabi ni Benjie Valbuena, chairperson ng ACT, hindi nararapat na sa sugal ilagak ng GSIS ang pondo buhat sa mga kontribusyon ng mga empleyado ng pamahalaan lalo na ng mga guro.
Mas nararapat umano na sa ibang mas kapaki-pakinabang na bagay ilagak ito tulad ng pabahay sa mga mahihirap na empleyado ng gobyerno tulad ng mga guro na babayaran sa murang halaga.
Nabatid na aabot sa P800 milyon ang umano’y inilagak ng GSIS sa LRWC. Iginiit rin ng ACT na dapat magsumite ang GSIS ng taunang ulat sa lahat ng ginawa nilang “investment†sa Kongreso at Senado at nararapat na maaaring makakuha rin ng ulat na ito ang mga ordinaryong miyembro ng GSIS.
Nilinaw ni Valbuena na hindi sinusuportahan ng mga guro ang pagtatatag ng mga internasyunal na casino at iba pang pasugalan sa Pilipinas na nais maging katulad ng Macau o ng Las Vegas sa Estados Unidos.
Parte umano ito ng misyon nilang moral na turuan ang mga batang Filipino ng kasamaang dulot ng sugal habang tinuligsa ang pagsuporta ng pamahalaan na maÂging sentro ng sugal ang Pilipinas sa Asya.