6-libo Pinoy sa Egypt ililikas
MANILA, Philippines - Pinaghahanda na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang may 6,500 Pinoy sa Egypt para sa posibilidad na paglilikas dahil sa lumalalang sitwasyon sa nasabing bansa.
Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na mula sa naunang precautionary phase na alert level 1 ay itinaas ang crisis situation sa Egypt sa alert level 2 matapos ang puwersahang pagpapatalsik kay President Mohammed Morsi sa pamamagitan ng military kudeta.
Sa ilalim din ng nasabing alerto, pinipigil ang deployment o pagpapadala ng mga bagong hired na Pinoy workers sa Egypt maliban sa mga returning OFWs na may kontrata at nakatakda nang bumalik sa Egypt subalit kailangan ding mag-ingat.
Pinapayuhan pa ang mga Pinoy travelers na nakatakdang tumungo sa Egypt na ipagpaliban muna ang kanilang biyahe.
Patuloy ang tensiyon sa Egypt matapos ang madugong pagpapatalsik kay Morsi kung saan may 50 tagasuporta umano nito ang nasawi sa bakbakan sa Cairo.
- Latest