MANILA, Philippines - Sa halip na maÂibenta dahil sa pagpo-post sa isang website, nabawi pa ng may-ari ang ninakaw sa kanyang mamahaling sasakyan sa Quezon City, kamaÂkalawa ng hapon.
Nabatid na una nang dumulog sa MPD-Anti Carnapping Unit ang biktimang si Nestor Tesoro, 58, ng Sucat, Parañaque City dahil natangay ang kanyang sasakÂyang Strada na kulay pula (ZLE-386) nitong nakaraang May 3, alas-6:00 ng gabi, habang nakaparada sa isang parking lot sa Ermita.
Nang makita niya umano sa Sulit.com ang kaparehong plaka at uri ng sasakyan na ibinebenta ay inireport niya ito sa hepe ng MPD-Ancar na si P/Sr.Insp. Rosalino Ibay Jr, na siya namang nagsagawa ng operasÂyon para marekober.
Sa bahagi ng Quezon City narekober ang sasakyan subalit bigo silang madakip ang suspect sa pagkarnap nito.
Kasabay nito, isang Yamaha Mio Sol (9058-IK) ang narekober naman ng grupo ni Supt. Ricardo Layug, ng MPS-station 3 at naibalik na sa may-ari nitong si Dave David, 24, ng Pureza st., Sta., Mesa, Maynila, na natangay ala-1:00 ng gabi sa tapat ng kanilang bahay.
Nakita rin umano ng biktima ang kaniyang orange na motorsiklong nawawala sa internet kung saan ibinebenta umano ng P35-libo sa Sulit.com.
Nahulog sa bitag ng pulisya ang dalawang suspect nang magkunwari ang mga una na interesado sa pagbili nito, dakong alas-3:00 ng hapon, kamakalawa sa panulukan ng Tayuman at Juan Luna Sts., sa Tondo.