MANILA, Philippines - Isinumite kahapon ng bawat Gabinete kay Pangulong Benigno Aquino III ang proposed budget ng kanilang ahensiya para sa 2014.
Nagdaos ng full Cabinet meeting kahapon si Pangulong Aquino sa Malacañang kung saan ay isinumite naman sa kanya ng bawat ahensiya ang kanilang proposed 2014 budget.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nasa P2.26 trilyon ang panukalang budget para sa 2014 ang kanilang hiling.
Isusumite naman ng Aquino government sa Kongreso ang proposed 2014 budget pagkatapos ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino sa July 22.
“Siyempre, confident po tayo na mapopondohan po natin yan, and as is with every budget that we presented to Congress and that has been approved by Congress, matagal pong pinag-aaralan yan. What we always look out for would be ways to tighten spending and to make sure that the money that we allot for a particular project actually goes to that project ,†wika naman ni Usec. Valte.