MANILA, Philippines - Ang MIMAROPA, Kabikulan, Kabisayaan at Mindanao ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa Silangan hanggang Timog-silangan ang iiral sa Luzon at mula naman sa Silangan hanggang Hilagang-silaÂngan sa Kabisayaan at Mindanao. Ang mga baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.
Ang araw ay sisikat ganap na alas-5:32 ng umaga at lulubog bandang alas-6:29 ng gabi.