2nd batch ng bagitong solons sasalang sa legislative course
MANILA, Philippines - Inaasahang dadalo ngayong araw ang 44 mga bagitong kongresista para sa ikalawang batch ng apat na araw na pag-aaral tungkol sa lehislasyon.
Ang Executive Course on Legislation ay gaganapin sa Andaya hall ng Batasan complex sa pakikipagtulungan ng University of the Philippines-National College of Public Administration and Government sa panguÂnguna ni Dean Edna Co.
Tulad nang dinaanan ng unang batch ng mga neophyte congressmen, ang ikalawang batch ay tuturuan din sa mga teoryaÂ, konsepto at dynamics ng lehislasyon para matulungan ang mga ito sa kanilang tungkulin.
Kabilang sa tatalakaÂying topics ang “Philippine administrative system; Philippine development plan and the constituents; roles and challenges faÂcing legislators; the national budget process; the dynamics of legislation; working with peers and institutions within the HRep.; parliamentary procedures and House Rules; communicating with constituents, the nation and the world; platforms of legislative agenda; and the Priority Development Assistance Fund.â€
Matatandaang ginawa ang executive course on legislation sa unang batch ng 32 bagong mamÂbabatas noong Hunyo 24.
- Latest