^

Bansa

28 supporter ng NPA nagbalik-loob sa gobyerno

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 28 residente sa Siaton Negros Oriental na sumusuporta sa New People’s Army ang nagbalik loob sa pamahalaan, kasabay ng pagwasak ng mga sundalo sa mga is­truk­turang itinayo ng mga ito sa Brgy. Mantiquil ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Maj. Ray Tiongson, hepe ng 3rd Division Public Affairs Office ng Philippine Army, ang mga residente na ki­ nabibilangan ng siyam na miyembro ng Sangay sa Partido sa Localidad (SPL) na pinamumunuan ni Rosalie Nama, alyas Pops, at 19 miyembro ng Yunit Militia (YM) ng Lubos na Asosasyong Masa (LAM)/Solid Mass Association sa pamumuno ni Diosdado Nama, alyas Dondi ay nagbalik sa tropa ng 79th Infantry (Marasigan) Ba­tallion sa ilalim ni Ltc. Marion­ R. Sison.

Sabi ni Tiongson, ang pagsuko ng mga resi­dente ay makaraang mapagtanto umano ng mga ito ang hirap ng pagsuporta sa pakikibaka at poot sa pagkakalinga sa mga NPA sa kanilang tahanan.

Ang pagsuko ng 28 personalidad na ginugugol ang kanilang gawain sa pagiging underground informants, na kung minsan ay ginagawang taga-puno sa mga mandirigma ng mga NPA, ay nabigyan ng tamang impormasyon na ibinahagi ng tropang Bayanihan mula sa isyung ibinahagi ng mga terorista. Dito ay napagtanto umano ng mga residente na binusog lamang sila ng mga rebelde sa kasinungali­ngan kaya ipinasya nilang magbalik loob.

Ayon naman kay Sison, itinatrato nilang biktima ang mga ito.

ASOSASYONG MASA

AYON

DIOSDADO NAMA

DIVISION PUBLIC AFFAIRS OFFICE

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

RAY TIONGSON

ROSALIE NAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with