^

Bansa

Tulong ng mamamayan sa baha, hingi

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si dating Senadora Jam­by Madrigal sa mamamayan na makiisa sa paglaban sa baha sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa gobyerno.

Anya, kahit na maliit lang na bagay ang gawin ng isang mamamayan tulad ng tamang pagtatapon ng ba­sura ay mala­king tulong na dahil sa hindi na magbabara ang mga basura sa estero at kanal.

Maging ang pangangalaga sa likas na yaman tulad ng hindi pagpuputol ng mga puno sa mga kabundukan ay isa nang mala­king tulong sa gobyerno dahil wala nang magaganap na flashflood o pagguho ng lupa sa mga lalawigan.

Muling ipinaalala ni Madrigal sa naganap na baha sa Metro Manila kamakailan dulot ng malakas na ulan ay natuklasang nagbarang mga basura sa estero’t kanal.

Sinang-ayunan ni Madrigal ang obserbasyon ng Metro Manila Development Authority at Department of Public Works and Highways na ang kalimitang pagbaha ay dahil sa walang pakundangan pagtatapon ng mga basura ng mamamayan.

ANYA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NANAWAGAN

SENADORA JAM

SHY

SINANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with