^

Bansa

Pangungurot, pamimingot sa mga bata ibabawal

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling inihain sa Senado ang panukalang batas na naglalayong ipagbawal ang pangungurot at pamimingot ng tenga ng mga bata at iba pang uri ng corporal pu­nishment.

Sa pagkakataong ito, si Senator Nancy Binay ang naghain ng panukala na tatawaging Anti-Corporal Punishment Act of 2013 na unang isinulong ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Layunin nito na tuluyang ipagbawal ang paglalagay sa kahihiyan ng isang bata bilang paraan ng parusa o pagdidisiplina.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang  pangungurot, pamimingot ng tenga, pananabunot, pagmumura, paninigaw sa mga bata sa eskwelahan at sa iba pang lugar kahit na sa loob ng bahay.

Mahigpit ding ipagbabawal ang pamamalo, panana­d­yak, pananampal, panglalait, gayundin ang pagpapaluhod sa mga bata sa monggo o buhangin bilang parusa.

Bawal din na puwersahin ang mga bata na gawin ang mga delikadong gawain bilang parusa tulad ng pagwawalis o paghuhukay sa gitna ng mainit na sikat ng araw o malakas na buhos ng ulan, pagkukulong sa mga bata at pananakot.

vuukle comment

ANTI-CORPORAL PUNISHMENT ACT

BATA

BAWAL

LAYUNIN

MAHIGPIT

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SENADO

SENATOR NANCY BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with