^

Bansa

123 biktima ng human trafficking, nasagip

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasagip sa pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG), Sea-Based Anti Trafficking Task Force at PNP ang 123 hinihinalang biktima ng human trafficking sa magkahiwalay na pantalan sa Zamboanga City.

Ayon sa PCG, sakay ng M/V Ever Queen Emilia at M/V Lady Mary Joy ang 83 biktima patungong Tawi-Tawi. Tatlo rito ang babae, dalawang menor de edad at 78 lalaki na karamihan ay matatanda.

Nabatid na pinangakuan ng trabaho ang mga biktima na karamihan ay mula pa sa Cebu City at Bohol.

Samantala, isang cargo vessel na M/L Jumina rin ang naharang sa isang pribadong daungan sa Ba­rangay Baliwasan sakay naman ang 40 biktima.

Patungo ng Sabah ang mga biktima na mula sa Davao City, Pagadian at  Zamboanga Sibugay.

Ang pagkakasagip sa mga biktima ay bunsod ng ulat na natanggap ng awtoridad kaugnay sa iligal na pagre-recruit ng mga manggagawa papuntang Tawi-tawi.

Wala namang nahuling suspek o recruiter sa insidente.

vuukle comment

CEBU CITY

DAVAO CITY

L JUMINA

PHILIPPINE COAST GUARD

SEA-BASED ANTI TRAFFICKING TASK FORCE

V EVER QUEEN EMILIA

V LADY MARY JOY

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with