MANILA, Philippines - Ang Kabikulan, MIMAROPA, Kabisayaan at Mindanao ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan hanggang timog-silangan ang iiral sa buong kapuluan na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.
Ang araw ay sisikat dakong alas-5:32 ng umaga at lulubog dakong alas-6:29 ng gabi.