MANILA, Philippines - Tatapusin ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Hulyo 12 ang imbestigasyon sa “sex-for-flight†scheme sa Middle East.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, mula sa Saudi Arabia ay tutungo na sa Jordan ang invesÂtigation team at inaasahang sa Hulyo 12 maisusumite na ang report.
Una nang isinumite kay Pangulong Aquino ang update report sa imbestigasyon sa umano’y sekswal na pang-aabuso at pambubugaw ng mga labor official sa mga Pinay kapalit ng paglipad sa bansa. Nangako ang Pangulo na papapanagutin ang mga sangkot dito.
Inatasan naman ni Baldoz na makipag-ugnayan kina Executive Secretary Pacquito Ochoa at de Lima ukol sa mga isasampang kaso.
Samantala, magtatalaga na ang DOLE ng 13 babaeng labor personnel sa Philippine Overseas Labor Offices sa Saudi Arabia, Kuwait at Jordan,
Ikinakasa na rin ang maigting na monitoring system sa kung ilang distressed Pinoy workers ang nasa Bahay Kalinga at ang pagsasaayos ng recruitment at deployment doon.
Tututukan din ang paghawak ng mga kaso at repatriation ng mga Pinoy doon sakaling magkaproblema ang mga ito.