Bagong NIA chief itinalaga

MANILA, Philippines - Nagtalaga na ng kapalit si Pangulong Aquino sa sinibak nitong si NIA Administrator Antonio Nangel.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin La­cierda­, hinirang ng Pangulo bilang bagong admi­nistrator ng National Irrigation Administration (NIA) si Claro Maranan­.

Si Maranan ang senior deputy administrator ng NIA kung saan ay inaasahan naman ni Pangulong Aquino na maisasaayos nito ang ahensiya.

Magugunita na sinabon ni PNoy si Nangel sa mismong ika-40 taong anibersaryo nito dahil sa poor performance bilang NIA chief.

Kasunod nito ay inihayag ng Pangulo kamakailan na wala na itong balak na iupo muli si Nangel sa ahensiya na nagtapos ang termino noong June 30.

Show comments