MANILA, Philippines - Inalerto ng MalaÂcañang ang may 6,500 Pinoy workers sa Egypt bunsod ng tumitinding kaÂrahasan matapos puwersahang patalsikin si Egyptian President Mohammed Morsi sa isang military coup d’ etat.
Ayon kay PresiÂdential Spokesman Edwin LaÂcierda, prayoridad ng gobÂÂyerno na masiguro ang kaligtasan ng ating mamamayan kaya mahigpit ang kanilang tagubilin sa mga OFW na huwag magtungo kung saan may kaguluhan sa Egypt.
Siniguro din ng Pa lasyo na nakahanda ang mga embassy personnel na tulungan ang mga OFW na nasa Egypt kaÂsabay ng paniniguro na hindi uuwi ang mga kawani ng Philippine Embassy sa Cairo matapos mapaulat na nag-pullout na ang mga personnel ng US embassy doon.
Ilang tauhan ni President Morsi ang pumanig na sa mga nag-aaklas na mamamayan hanggang sa mapatalsik ang nasaÂbing lider kahapon sa paÂmamagitan ng Egyptian Army.
Ayon naman kay FoÂreign Affairs spokesman Raul Hernandez, inilagay na ng DFA sa crisis alert level 1 ang sitwasyon sa Egypt, na nangangahulugan ng “precautionary phase†o pinag-iingat ang mga Pinoy lalo na sa Cairo na sentro ng kaguluhan.
Una nang nagpalabas ng advisory ang DFA noong Martes sa mga Pinoy sa Egypt na umiwas na magtungo sa mga lugar na pinagdadausan ng rally at may karahasan upang mapanatili ang kanilang seguridad at kaligtasan.
Unang napatalsik si dating Egyptian President Hosni Mubarak maÂtapos ang 18 araw na rebolusyon sa Egypt noong 2011.
Bunsod nito, naglabas na ng travel advisory ang United States at United Kingdom sa kaÂnilang mamamayan na nag-aatas na kanselahin ang kanilang biyahe patungong Egypt.