^

Bansa

Mga Pinoy inalerto: Kudeta sa Egypt!

Rudy Andal at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inalerto ng Mala­cañang ang may 6,500 Pinoy workers sa Egypt bunsod ng tumitinding ka­rahasan matapos puwersahang patalsikin si Egyptian President Mohammed Morsi sa isang military coup d’ etat. 

Ayon kay Presi­dential Spokesman Edwin La­cierda, prayoridad ng gob­­yerno na masiguro ang kaligtasan ng ating mamamayan kaya mahigpit ang kanilang tagubilin sa mga OFW na huwag magtungo kung saan may kaguluhan sa Egypt.

Siniguro din ng Pa­ lasyo na nakahanda ang mga embassy personnel na tulungan ang mga OFW na nasa Egypt ka­sabay ng paniniguro na hindi uuwi ang mga kawani ng Philippine Embassy sa Cairo matapos mapaulat na nag-pullout na ang mga personnel ng US embassy doon.

Ilang tauhan ni President Morsi ang pumanig na sa mga nag-aaklas na mamamayan hanggang sa mapatalsik ang nasa­bing lider kahapon sa pa­mamagitan ng Egyptian Army.

Ayon naman kay Fo­reign Affairs spokesman Raul Hernandez, inilagay na ng DFA sa crisis alert level 1 ang sitwasyon sa Egypt, na nangangahulugan ng “precautionary phase” o pinag-iingat ang mga Pinoy lalo na sa Cairo na sentro ng kaguluhan.

Una nang nagpalabas ng advisory ang DFA noong Martes sa mga Pinoy sa Egypt na umiwas na magtungo sa mga lugar na pinagdadausan ng rally at may karahasan upang mapanatili ang kanilang seguridad at kaligtasan. 

Unang napatalsik si dating Egyptian President Hosni Mubarak ma­tapos ang 18 araw na rebolusyon sa Egypt noong 2011.

Bunsod nito, naglabas na ng travel advisory ang United States at United Kingdom sa ka­nilang mamamayan na nag-aatas na kanselahin ang kanilang biyahe patungong Egypt.

AYON

EGYPT

EGYPTIAN ARMY

EGYPTIAN PRESIDENT HOSNI MUBARAK

EGYPTIAN PRESIDENT MOHAMMED MORSI

PHILIPPINE EMBASSY

PINOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with