^

Bansa

Ebdane, Maniquiz nanguna sa oathtaking sa Zambales

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Opisyal nang nanumpa ang mga halal na opisyales ng lokal na pamahalaan ng Zambales sa isang seremonya sa harapan ng Kapitolyo sa kabisera ng lalawigan sa Iba, Zambales kamakalawa.

Ang panunumpa ay pinangunahan ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., na naluklok sa kanyang ikalawang termino. Si Gov. Ebdane ay pinanumpa ni Zambales Executive Judge Josefina Farrales. Bukod kay Gov. Ebdane ay nanumpa na rin sa tungkulin si re-electionist Vice Governor Raul Lacbain na nanalo rin sa kanyang ikalawang termino. Maging ang mga nagwaging Sangguniang Panlalawigan at Sangguniang Pambayan ng buong lalawigan ay ipinroklama sa nasabing okasyon. Sa hanay ng mga nanalong alkalde ay nanguna si Botolan Mayor Bing Maniquiz sa mga nanumpa sa puwesto. Tinalo ni Mayor Maniquiz si Roger Yap. Si Governor  Ebdane ang nagpanumpa kay Mayor Maniquiz at sa may 13 pang nagwaging mga alkalde sa lalawigan ng Zambales sa nasabing seremonya bilang hudyat ng kanilang panunungkulan.

 

BOTOLAN MAYOR BING MANIQUIZ

EBDANE

MAYOR MANIQUIZ

ROGER YAP

SANGGUNIANG PAMBAYAN

SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

SI GOV

VICE GOVERNOR RAUL LACBAIN

ZAMBALES

ZAMBALES EXECUTIVE JUDGE JOSEFINA FARRALES

ZAMBALES GOVERNOR HERMOGENES EBDANE JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with