MANILA, Philippines - Hindi nagpalabas ng temporary restraining order ang Korte Suprema kontra sa hiling na dagdag singil sa tubig matapos na idaos ang en banc session ng mga mahistrado kahapon.
Walang TRO na inilabas ang SC pabor sa Waterwatch Coalition at ng iba pang advocacy group laban sa mungkahing 2013-2018 rate rebasing scheme ng Manila Waters at Maynilad.
Sa halip, inatasan lamang ng Korte ang mga respondent na kinabibilangan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS, Maynilad at Manila Waters na magsumite ng komento.
Una nang hiniling ng Maynilad na maitaas ang singil sa tubig ng P8.58 kada cubic meter, habang ang Manila Water ay nagpetisyon sa MWSS ng dagdag na P5.83 per cubic meter.
Ang nasabing kahiliÂngan ng Maynilad at Manila Waters ay alinsunod sa rate adjustment scheme na nasa ilalim ng 1997 concession agreement kung saan pinapayagan ang mga water concessioner na magtaas ng singil kada limang taon.