MANILA, Philippines - Inarmasan ni Pangulong Aquino ang mga pulis na wala pang mga service firearms nang ipamahagi nito ang 22,603 units ng makabagong Glock 17 Generation 4 pistols sa isang seremonya kahapon sa Camp Crame.
Prayoridad sa pamamahagi ng mga bagong handguns ang nakadestino sa mga urban centers at mga pangunahing tourist destinations kabilang ang 254 graduates ng Philippine National Police AcaÂdemy (PNPA) Class 2013Â.
Sa kabila nito, tanging ang mga personnel na nakapasa sa proficiency test o asintado sa pagbaril ang kuwalipikadong isyuhan ng 9mm Glock 17 pistol.
Ayon kay PNP Chief Alan Purisima, dahil nakatipid ang PNP ng P200 milyon mula sa pagbili ng 59,904 handguns na nagkakahalaga ng P998 milÂyon mula sa P1.2 bilyong outlay mula sa Office of the President ay nakabili pa ng karagdagang 12,000 mga baril kaya umaabot na sa P74,879 armas ang nabili para mapunan ang kakulangan sa service firearms ng mga pulis. Ang bawat isang Glock pistol ay nagkakahalaga ng P16,594.94.
Ang nasabing makaÂbagong handgun ay kahalintulad din umano ng ginagamit ng mga pulis sa Europa, Amerika at Asia na magaang dalhin at madaÂling gamitin.