^

Bansa

Pinay iki-cremate pagkabitay sa China

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ng pamilya ng 35-anyos na Pinay na bibitayin sa China na agad na maiuwi ang mga labi nito pagkatapos siyang mapatawan ng parusang bitay sa pamamagitan ng lethal injection.

Ayon kay Vice President Jejomar Binay, hiniling ng ina ng Pinay na anumang oras ay bibitayin sa Hangzhou, China na agad na ma-cremate sa China ang mga labi nito para sa posibilidad na maisama na niya pauwi sa Pilipinas.

Nasa China pa ang ina at bunsong kapatid ng nasabing Pinay habang inaantay nila ang kaganapan sa nasabing kautusang pagbitay sa kanilang kaanak kasabay ng kanilang mataimtim na pagdarasal na magkaroon ng milagro at positibong sumagot si Chinese President Xi Jinping.

Hindi pinahihintulutan ng China na mapanood ng kaanak o sino mang opisyal ng Pilipinas ang gagawing eksekusyon.

Sinabi ni Binay na ipinaliwanag umano sa kanya ng Chinese Foreign Ministry na serious offense ang ginawa ng naturang Pinay at nagdesisyon na ang kanilang kataas-taasang hukuman dito na dahilan ng pagpigil sa kanya na huwag nang tumungo sa China upang umapela at ihatid ang “letter of appeal” ni Pangulong Aquino.

Sinabi ni Hernandez na nananatiling “imminent” o mas malaki ang posibilidad na bibitayin ng China ang Pinay. 

Walang ibinigay ang China na takdang araw at oras ng pagbitay pero ipinaliwanang na maaari rin umanong magbigay ang China ng abiso sa DFA kapag naisagawa na ang eksekusyon.

Nakiusap naman ang pamilya ng nasabing Pinay na igalang ang kanilang privacy at hindi sila magpapaunlak ng anumang interview upang mapangalagaan ang pagkakakilanlan ng una para sa maiiwan nitong mga anak. 

Ang maiiwang anak o pamilya ng Pinay ay hindi makatatanggap ng anumang benepisyo sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) dahil isa umano siyang turista nang mahuli sa Hangzhou at hindi overseas Filipino worker na miyembro ng OWWA.

CHINA

CHINESE FOREIGN MINISTRY

CHINESE PRESIDENT XI JINPING

HANGZHOU

NASA CHINA

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PANGULONG AQUINO

PILIPINAS

PINAY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with