Marikina hi-tech sa baha
MANILA, Philippines - Takdang gumamit ang lungsod ng Marikina ng mga state-of-the-art technology bilang paghahanda sa panahon ng kalamidad tulad ng mga bagyo.
Ito ang ipinahiwatig ni Marikina Mayor Del de Guzman na nagsabing, simula ngayong taong ito, magluÂlunsad din sila ng mga bagong state-of-the-art technoÂlogy upang mapaigting ang disaster-mitigation measures tulad ng pagkakabit ng may 100 units ng close-circuit television camera sa mga istratehikong lugar.
“Magkakaroon din ang Marikina ng 24/7 command center at text blast apparatus para din magamit sa peace-order drive at para na rin sa disasters tulad ng pagbaha at lindol,†ayon kay de Guzman.
Ginawa ni de Guzman ang pahayag kasabay ng kanyang panunumpa sa tungkulin sa pangalawa niyang termino bilang alkalde ng Marikina na isinagawa sa harap ni Marikina Executive Judge Lorna Chua-Cheng sa Marikina Convention Centre.
Isasagawa ng lungsod ang naturang hakbang dahil sa naging karanasan nito sa matinding pinsalang idinulot dito ng bagyong Ondoy noong 2009.
Sinabi ng alkalde na bibili sila ng sariling dredging machine at iba pang kagamitan para mapuksa ang laganap na pagbaha sa mga barangay.
Sa kanyang maikling talumpati, sinabi ni De Guzman na ang pagbili ng bagong dredging machine ay gagamitin para palalimin ang ilog ng Marikina upang ito ay maging mahusay na floodway.
Gagawin ding fully operational ang pumping station sa Provident Village sa Barangay Tanong at kung kakailaÂnganin ay maglalagay pa ng karagdagang pumping station para agarang mawala ang baha sa lugar at kalapit itong mga barangay, paliwanag ng mayor.
- Latest