^

Bansa

Pagbasura sa drug test sa lisensiya, haharangin sa SC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang maghain ng petisyon ang isang grupo ng transportasyon sa Korte Suprema upang magpalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa implementasyon sa probisyon na nagbabasura sa drug test sa pagkuha ng lisensya sa ilalim ng ipinasang batas na “Anti-Drunk and Drugged Driving Act”.

Sa pulong-balitaan kahapon, sinabi ni Atoy Sta. Cruz, pangulo ng motorcycle Federation of the Philippines, na magtutu­ngo sila sa Korte Suprema sa Lunes upang isampa ang kanilang petisyon laban sa batas na nilikha ni Senador Tito Sotto.

Sinuportahan naman ito ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO) at Pasang-Masda na kapwa nagsabi na pag-aaralan ng kanilang abogado at posibleng magsanib para sa iisang petisyon para harangin ang probisyon.

Ayon kay ACTO Pre­sident Efren de Luna, walang ginawang public consultation ang Senado bago ipinasa ang batas kaya hindi nakuha ang saloobin nilang mga tsuper. Noong ginawa ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kasama ang mga transport groups sa konsultasyon na kanilang sinang-ayunan naman ang drug testing sa pagkuha ng lisensya upang magkaroon umano ng prebensyon sa mga aksidente na idudulot ng mga adik na mga tsuper.

Sa pagbuwag sa mandatory drug testing, nagdiriwang umano ang mga drug lords, pushers at users dahil malaya na silang makakapagmaneho. Hindi anila dapat alisin ang drug test sa pagkuha ng drivers license dahil natatanggal daw nito ang mga adik na driver.

Maaari rin umanong pag-ugatan ng korapsyon ang probisyon na saka lamang isasailalim sa drug test o alcohol test ang isang tsuper na masasangkot sa aksidente dahil sa taas ng multa.

Kung nais umano ni Sotto na makatulong sa mga tsuper na mabawasan ng gastusin ay dapat lumikha ito ng probisyon na sagutin ng pamahalaan ang gastos sa drug testing at higpitan ang mga drug testing centers sa kanilang implementasyon upang magkaroon ng maayos na resulta at mawala ang hinala na nagkakaroon ng palusutan.

ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT OPERATORS

ATOY STA

DRIVING ACT

DRUG

DRUGS ACT

FEDERATION OF THE PHILIPPINES

KORTE SUPREMA

SENADOR TITO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with