MANILA, Philippines - Sinuportahan kahapon ng bansang Japan ang hakbangin ng pamahalaan ng Pilipinas na idulog sa United Nations ang isyu ng agawan sa teritoryo sa Scarborough Shoal sa Zambales at Spratly Islands sa Palawan kaugnay ng tumitinÂding intrusyon ng China sa West Philippine Sea.
Si Defense Minister of Japan Itsunori Onodera ay bumisita sa Camp Aguinaldo at nakipagpulong sa counterpart nitong si Defense Secretary Voltaire Gazmin at tinalakay ang pagpapatatag pa ng kooperasyon ng depensa ng magkaalyadong bansa gayundin ang hamon sa kinakaharap nilang isyu.
Ayon kay OnodeÂra, ikinaalarma ng Japan ang kapangahasan ng China sa West Philippine Sea.
Inihayag ni Onodera na hindi lamang ang Pilipinas ang may kinakaharap na ganitong isyu sa agawan ng teritoryo kundi maging ang Japan kung saan pilit din umanong nakikipag-agawan sa kanilang gobyerno ang China sa Sinkaku Island na matatagpuan sa silaÂngan ng kanilang bansa.
Pinasalamatan ni Gazmin si Onodera sa pagsuporta nito sa nais ng pamahalaan ng Pilipinas na mapayapang paraan sa pagresolba sa isyu.