^

Bansa

Sa West Philippine Sea: Japan sinuportahan ang Phl vs China

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuportahan kahapon ng bansang Japan ang hakbangin ng pamahalaan ng Pilipinas na idulog sa United Nations ang isyu ng agawan sa teritoryo sa Scarborough Shoal sa Zambales at Spratly Islands sa Palawan kaugnay ng tumitin­ding intrusyon ng China sa West Philippine Sea.

Si Defense Minister of Japan Itsunori Onodera ay bumisita sa Camp Aguinaldo at nakipagpulong sa counterpart nitong si Defense Secretary Voltaire Gazmin at tinalakay ang pagpapatatag pa ng kooperasyon ng depensa ng magkaalyadong bansa gayundin ang hamon sa kinakaharap nilang isyu.

Ayon kay Onode­ra, ikinaalarma ng Japan ang kapangahasan ng China sa West Philippine Sea.

Inihayag ni Onodera na hindi lamang ang Pilipinas ang may kinakaharap na ganitong isyu sa agawan ng teritoryo kundi maging ang Japan kung saan pilit din umanong nakikipag-agawan sa kanilang gobyerno ang China sa Sinkaku Island na matatagpuan sa sila­ngan ng kanilang bansa.

Pinasalamatan ni Gazmin si Onodera sa pagsuporta nito sa nais ng pamahalaan ng Pilipinas na mapayapang paraan sa pagresolba sa isyu.

CAMP AGUINALDO

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

ONODERA

PILIPINAS

SCARBOROUGH SHOAL

SI DEFENSE MINISTER OF JAPAN ITSUNORI ONODERA

SINKAKU ISLAND

SPRATLY ISLANDS

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with