MANILA, Philippines - Pinaboran ni Senator Francis “Chiz†Escudero ang pag-regulate ng electronic cigarette na ipinagbabawal na rin sa ibang bansa.
Ayon kay Escudero na kilalang ring naninigarilyo, panahon na para tingnan ng Department of Health (DOH) kung anu-ano ang masamang idinudulot ng e-cigarette na kalimitang tinatangkilik ng mga nais makaiwas sa totoong sigarilyo na mayroong nicotine.
Ayon pa kay Escudero, posibleng nakakasama pa sa totoong sigarilyo ang e-cigarette kaya dapat i-regulate ang paggamit nito.
Ipinunto pa ng senador na sa Singapore ay bawal na ang nasabing e-cigarette.
Nauna rito, hiniling ng Philippine Pediatric Society (PPS) sa gobyerno na ipatigil ang paggamit ng e-cigarette habang isinasagawa ang pag-aaral kung ligtas itong gamitin.
Hindi umano sakop ng Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulations Act ang e-cigarette kaya kahit mga bata o menor de edad ay nakakabili at nakaÂkagamit nito.