^

Bansa

E-cigarette pinapasilip sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaboran ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang pag-regulate ng electronic cigarette na ipinagbabawal na rin sa ibang bansa.

Ayon kay Escudero na kilalang ring naninigarilyo, panahon na para tingnan ng Department of Health (DOH) kung anu-ano ang masamang idinudulot ng e-cigarette na kalimitang tinatangkilik ng mga nais makaiwas sa totoong sigarilyo na mayroong nicotine.

Ayon pa kay Escudero, posibleng nakakasama pa sa totoong sigarilyo ang e-cigarette kaya dapat i-regulate ang paggamit nito.

Ipinunto pa ng senador na sa Singapore ay bawal na ang nasabing e-cigarette.

Nauna rito, hiniling ng Philippine Pediatric Society­ (PPS) sa gobyerno na ipatigil ang paggamit ng e-cigarette­ habang isinasagawa ang pag-aaral kung ligtas itong gamitin.

Hindi umano sakop ng Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulations Act ang e-cigarette kaya kahit mga bata o menor de edad ay nakakabili at naka­kagamit nito.

 

vuukle comment

AYON

CHIZ

CIGARETTE

DEPARTMENT OF HEALTH

IPINUNTO

PHILIPPINE PEDIATRIC SOCIETY

REPUBLIC ACT

SENATOR FRANCIS

TOBACCO REGULATIONS ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with