MANILA, Philippines - Awa at hindi pagkadismaya ang naramdaman ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa ulat na may mga kamag-anak ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang nakipag-areglo sa pangunahing mga suspect sa krimen kapalit ng pera.
Ayon kay Cruz, naiintindihan niya ang mga kamag-anak ng mga biktima dahil maaaring nawawalan na ng pag-asa ang mga ito na makamtan ang katarungan dahil sa napakabagal na pag-usad ng kaso.
Indikasyon lamang ito na pambihira talaga ang justice system sa Pilipinas.
Sa katunayan umano mas dismayado si Cruz sa pamahalaan dahil hindi ito seryoso na mapanagot ang mga salarin sa karumal-dumal na krimen at hindi alam ang gagawin.
Hinimok naman ni CBCP-NASSA chairman Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang administrasyong Aquino na bigyan ng espesyal na atensiyon ang Maguindanao massacre para makamit ang katarungan na matagal ng inaasam-asam ng pamilÂya ng mga nasawi.
Sinabi ni Bishop Pabillo na talagang mali na magpaareglo pero ang pamahalaan ang nagbibigay ng dahilan dahil sa mabagal na pag-prosecute sa mga suspek.
Iginiit naman ni CBCP-Espiscopal Commission on Prison and Pastoral Care executive secretary Rudy Diamante na patuloy na nakaamba ang aregÂluhan habang tumatagal ang kaso at mga makakapangyarihan ang sangkot dito.