MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang pilot at co-pilot ng isang eroplano ng Cebu Pacific na sumadsad sa runway ng Davao International Airport noong Hunyo 2.
Kabilang sa pinatawan ng parusa ng CAAP sina Capt. Antonio Roehl Oropesa na suspendido nang anim na buwan at binawalang magpiloto sa eroplano sa loob ng isang taon. Ang co-pilot niyang si First Officer Edwin PeÂrello ay sinuspinde nang tatlong buwan.
Ayon pa sa CAAP, pagÂkatapos ng anim na buwang suspension at pagsunod sa mga rekisitos para sa pagbalik ng kanyang Airline Transport Pilot License, magiging Second-in-Command na lang si Oropesa sa loob ng isang taon.
Sinabi ng CAAP na hindi umano sumunod si Oropesa sa mga proÂbisyon ng Philippine Civil Air Regulations kaugnay ng “minimum descent altitude.â€
Sinabihan naman ng CAAP ang Cebu Pacific na tumalima sa action plan nito na kasasangkutan ng pagtataya sa kanilang accountable executives at station managers. Idiniin dito ang sa operation at itaguyod ang corporate culture na nakatuon sa safety at random sampling of flight crew capabilities.