MANILA, Philippines - Isang Pinay ang ginahasa ng dalawang Kuwaiti Police at isang Egyptian na pumasok sa kanyang bahay matapos magsagawa ng pagsaÂlakay at crackdown laban sa mga illegal workers sa nasabing bansa.
Sa report na nakaraÂting sa Department of Foreign Affairs (DFA), alas-3 ng madaling-araw noong Hunyo 17 nang may kumatok sa apartment ng biktimang OFW na itinago sa pangalang Rhiza, 36, habang siya ay nag-iisa at ang mga housemates nito ay nasa trabaho. Nang bahagyang buksan niya ang pinto ay biglang pumasok ang isang lalaki na naka-police uniform at agad na tinanong sa kanya ang kanyang civil ID. Pumasok din ang isa pang lalaki na nakasuot ng itim na shirt at pants at bigla umano siyang hinalikan at hiningi ang kanyang mobile number saka umalis.
Dahil dito mabilis umaÂnong tumakbo ang Pinay sa kanyang kuwarto subalit sinundan siya ng isang suspek kaya ipinakita niya ang kanyang civil ID, visa at iginiit na legal ang kanyang pananatili at pagtatrabaho sa Kuwait. Gayunman, inuÂtusan pa umano ng susÂpek ang biktima na isara ang pinto ng kuwarto, at saka tinakot hanggang sa halayin.
Sumunod na dumaÂting ang Egyptian at nagmakaawa ito na huwag siyang galawin subalit walang nagawa ang kawawang Pinay kaya naganap uli ang panghahalay. Agad din umanong dumating sa kuwarto ang isa pang pulis at saka siya ginahasa.
Ayon sa biktima, hindi namalayan ng isang pulis na nalaglag ang kanyang handcuff o posas sa sahig ng kuwarto habang isinasagawa ang panggagahasa kaya nagsisilbi ring ebidensya ito na ipinasa niya sa Embahada.