MANILA, Philippines - Kabado pero excited ang mga first time Congressmen sa kakaharapin nilang trabaho sa Kamara.
Ayon kay Camarines Sur Rep. Leni Robredo, marami siyang matututunan sa apat na araw na ‘exeÂcutive course on legislation’ na inorganisa ni House Speaker Feliciano Belmonte at ng University of the Philippines-College of Public Administration.
Aniya, productive ang executive course dahil narinig nila mismo sa mga beteranong kongresista ang dapat nilang gawin bilang miyembro ng Mababang KapuluÂngan at kinatawan ng kanilang distrito.
Para naman kay Quezon City Rep. Alfred Vargas bagamat nagsilbi na siyang konsehal ng lungsod ay mas malaking hamon umano ang naghihintay sa kanya sa Kamara.
Layunin ng 4-day orientation na tulungan ang mga bagong mambabatas na maunawaan ang ‘legislative process’ upang magampanan nila ng maayos ang kanilang magiging bagong papel sa Kamara.