MANILA, Philippines - Kasalukuyan pa ring pinag-aaralan ng Department of Foreign Affairs ang United States Navy report at ang resulta ng imbestigasyon sa pagkakasadsad ng isang US minesweeper sa Tubbataha Reef sa may Sulu noong Enero.
Hindi agad makapagbigay ng komentaryo ang DFA sa report na nagpapahiwatig na ang mga visual, electronic cues at maging mga alarms ay binalewala at ang pangkalahatang kawalan ng liderato ay nagbunsod sa pagkakasadsad ng USS Guardian.
“Pinag-aaralan pa rin namin ang report ng US Navy hinggil sa pagkakasadsad ng USS Guardian sa Tubbataha,†sabi ni DFA spokesman Raul Hernandez.
Sa isang 160-pahinang report na ipinalabas kamakalawa, sinabi ni US Pacific Fleet Adm. Cecil Haney na ang mga crew ng barko ay naÂbigong makasunod sa prudent, safe and sound principles na maaari sanang naiwasan ang insidenteng kinasangkutan ng USS Guardian.
Sinabi pa ni Haney na maaari sanang maiwasan ang naturang trahedya na produkto ng poor voyage planning, poor execution at unfortunate circumstances.
Hindi naman malinaw kung ano ang parusang igagawad nila sa crew ng kanilang barko.
Pinuna ni Haney na, ilang oras bago naganap ang insidente, binalewala ng watch team ang mga visual cues, electronic cues at alarms.
Ang 224 talampaÂkang Avenger Class USS Guardian na may 79 crew ay katatapos lamang mag-routine fuel stop sa Puerto Princesa City, Palawan at patungo ng Indonesia nang mabalahura sa Tubbataha Reef noong Enero 17.
Sa nasabing insidente ay napinsala ang aabot sa 2,35.67 square meters ng corals sa Tubbataha Reef na tinaguriang pinakamagandang dive sites sa buong mundo.
Sa 160 pahinang resulta ng imbestigasyon, sinabi ni US Admiral Cecil Haney, Commander ng US Pacific Fleet bagaman trahedya ang pagsadsad ng USS Guardian ay lumilitaw na naging mahina ang pamumuno ng mga Navy officers ng minesweeper kaya nabalahura ito.
Bunga ng insidente ay nasibak sa puwesto ang dating Commanding Officer ng USS Guardian na si Lt. Commander Mark Rice; Executive Officer/Navigator Lt. Daniel Tyler; Assistant Navigator; ang Assistant Navigator at Officer ng Deck ng mangyari ang pagkabalahura ng USS Guardian.
Sa kabila nito ay pinapurihan naman ni Haney ang kabayahinan ng mga crew ng USS Guardian para isalba ang barko at tiyakin ang kaligtasan ng 79 crew nito na agad inilikas.
Dahilan sa kapalpaÂkan ng mga opisyal ng USS Guardian ay nagkaroon ng kakulangan sa Digital Nautical Charts (DNC) na siyang naging sanhi ng ‘poor navigation ability’ na naging sanhi rin ng insidente.
Nabatid pa na nagsaÂgawa ng port call sa Subic Bay ang USS Guardian at naglalayag na sa Sulu Sea sa kabila ng West Philippine Sea sa Palawan patungong Indonesia at Timor Leste para sa training exercises doon nang sumadsad ito sa Tubbataha.
Sa pagtaya ng Tubbataha Management Office umaabot sa $1.5 milyon o katumbas na P58.4 milyon ang nilikhang pinsala sa coral reef ng USS Guardian.
Bunga nito ay nangako naman ang pamahalaan ng Estados Unidos partikular na ang US Navy na babayaran ang naging pinsala sa coral reef ng Tubbataha at ilang beses ring humingi ng sorry sa gobyerno ng Pilipinas.
Matatandaan na naiahon na ang USS Guardian sa Tubbataha Reef matapos na paghatihatiin ang parte nito noong nakalipas na Marso 30.