MANILA, Philippines - Puwedeng kunin ng gobyerno ang mga Pinoy na walang trabaho sa bansa para pagtanimin ng mga punong-kahoy at iba pang “green sustainable jobs†katulad ng pagre-recycle ng basura.
Ayon kay Sen. Loren Legarda may P3.6 bilÂyong budget ang National Greening Program na puwedeng magamit para sa mga mabibigyan ng “green jobsâ€.
Makikipag-usap umano ang tanggapan ni Legarda sa DENR para magkaroon ng mga barangay municipal nurseries kung saan ang kukunin sa proyekto ay ang mga walang trabaho.
Magagamit din umano ang mga walang trabaho sa paglilinis ng mga estero at kanal at sa mga recycling facilities.