^

Bansa

11 waging senador pinagmumulta ng Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagmumulta ng Commission on Elections (Comelec) ang 11 nanalong senador dahil sa pagkakaroon ng mali sa isinumiteng Statements of Election Contributions and Expenditures (SECE).

Sa 12 nanalong senador, tanging si Sen. Alan Peter Cayetano ang hindi pinagmulta dahil walang mali sa kanyang expenditure report.

Ngunit dahil hindi pa nakapaghahain ng ilang dokumento ang Nacionalista Party na kinaaaniban ni Cayetano ay inirekomenda ng Comelec campaign finance committee na pansamantalang huwag munang ilalabas ang certificate of compliance ng senador.

Ang penalties ay P1,000 kada araw hanggang hindi nila naitatama ang mga deficiency sa kanilang SECE.

Naniniwala si Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na rasonable lamang ang P1,000 kada araw na late penalty at kung mabibigo pa umano ang mga ito na magsumite bago ang Hunyo 30 ay pagmumultahin sila ng P30,000.

 

ALAN PETER CAYETANO

CAYETANO

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES JR.

HUNYO

NACIONALISTA PARTY

NANINIWALA

NGUNIT

PINAGMUMULTA

STATEMENTS OF ELECTION CONTRIBUTIONS AND EXPENDITURES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with