MANILA, Philippines - Nagbanta naman ang mga militanteng mambabatas sa DOTC na haharangin ang kanilang budget para sa 2014 kung itutuloy ang planong taas pasahe sa MRT at LRT.
Sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, marami naman paraan upang hindi maipasa sa publiko ang pagbawi ng lugi nila gaya ng pagbawas ng perks at bonuses ng kanilang mga opisyal at iayos ang loan at business arrangement ng nakaraang administration.
Dapat din magdagdag ng bagon ang MRT at LRT na magpapalakas ng kanilang kita. Maaari rin umanong hikayatin ang mga may ari ng mall at mga lokal na pamahalaan na nakikinabang sa serbisyo ng MRT at LRT na mag-ambag ng subsidy fund.