P10 taas pasahe sa LRT, MRT
MANILA, Philippines - Nakaumang na ang pagtataas sa halaga ng pamasahe sa Metro Rail Transit at Light Rail Transit Line 1 at Line 2 ngayong Agosto at sa susunod na taon.
Inihayag ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya ang pag-uumpisa ng dagdag singil ng P5 sa darating na Agosto at ang nalalabing P5 sa taong 2014.
Ikinatwiran ni Abaya na kailangan na talaga ang pagtataas sa pasahe upang mabawi umano nila ang pagkalugi sa operaÂting costs sa ibinibigay na subsidiya ng pamahalaan para sa mga mananakay ng mga MRT at LRT.
Iginiit ng kalihim na “long overdue†na ang pagtataas. Maaari pang mausog ang dagdag pasahe sa Agosto ngunit tiniyak nito na maipatutupad ito ngayon ding taon.
Idinagdag pa nito na may mga naisagawa nang public hearing noon sa termino ng mga nagdaang kalihim ng DOTC ngunit upang makatiyak na walang malalabag ay magsasagawa pa rin umano sila ng panibagong public hearing.
Tiniyak nito na papaÂkinggan ang hinaing ng publiko lalo na ng mga manananakay at dito rin paplantsahin ang panibagong fare matrix na kanilang ipatutupad.
Hindi pa man naisasagawa ang public hearing, agad nang nagpahayag ng pagtutol ang mga mananakay ng MRT at LRT habang kinondena rin ng grupong RILES Network ang plano ng DOTC.
Sinabi ni Sammy MaÂlunes ng RILES Network na tanging dagdag na kita lamang ang nasasaisip ngayon ng pamahalaan at hindi ikinukunsidera ang paghihirap ng mga karaniwang Pilipino na walang pambili ng sasakyan na hindi tulad umano ng mga taga-gobyerno ay hindi lang iisa ngunit dalawa hanggang lima ang magaÂgarang sasakyan.
Iginiit nito na responsibilidad ng pamahalaan ang pagbibigay ng ligtas, mura at mabilis na uri ng transportasyon sa publiko na nagbabayad ng buwis tulad ng ipinatutupad sa ibang bansa ngunit dito lumalayo umano ang pamahalaan.
Naniniwala rin ang grupo na ang pagtataas sa pasahe ang umpisa na ng plano ng pamahalaan na isapribado maging ang “train system†ng bansa.
- Latest