Pinas bagsak vs human trafficking

MANILA, Philippines - Nanatiling mahina at nasa Tier 2 ang Pilipinas dahil sa kawalan umano ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang human trafficking habang nasasadlak sa sex trade at exploitation ang mga bata sa bansa.

Sa ipinalabas ni US Secretary of State John Kerry na 13th annual Traf­ ficking in Persons (TIP) Report kahapon, hindi umangat ang Pilipinas sa dati nitong nakuhang antas (Tier 2) base sa 3-tier ranking system ng US State Department sa pagsugpo sa human trafficking.

“Despite making signi­ficant efforts to combat trafficking, the Government of the Philippines does not yet fully comply with the minimum standards for the elimination of trafficking,” ayon saTIP Report.

Iginiit pa na nananati­ling seryosong problema ng Pilipinas ang trafficking sa mga bata o menor-de-edad (kapwa lalaki o babae). Ang mga batang Pinoy umano ay napupuwersa na magtrabaho at nagsasagawa ng sexual acts para sa foreign vie­wers sa internet broadcasts. 

Ang cyber pornography market umano sa Pi­lipinas ay lumawak at maging ang mga kalalakihang Pinoy ay nagiging biktima ng commercial se­xual exploitation.  

Sa kabila nito, pinuri sa report ang pagpapa­lawak ng anti-trafficking le­­gislation sa Pilipinas su­­balit binigyang-diin na may kahinaan sa judicial system sa bansa na nagiging dahilan upang kakaunti lamang ang mga nako-convict o napaparusahan na trafficking offenders.

 

Show comments