P1 budget sa DFA, DOLE sa ‘sex for fly’
MANILA, Philippines - Tiniyak ni acting SeÂnate President Jose “Jinggoy†Estrada na isusulong niya ang paglalaan lamang ng tig-pisong budget sa dalawang departamento ng gobyerno para sa 2014 kung hindi mabibigyan ng hustisya ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga overseas Filipino workers na biktima ng prostitusyon o “sex-for-flyâ€.
Ayon kay Estrada, chairman ng Senate committee on Labor, Employment and Human Resources Development at Congressional Oversight Committee on Overseas Workers Affairs, nakakagaÂlit na marinig na mismong ilang tiwaling opisyal ng gobyerno ang nagsasamantala sa mga OFWs.
Ang mga hindi pa pinapangalanang biktima ay pansamantala umanong tumuloy sa Philippine Overseas Labor Office – Overseas Workers WelÂfare Administration (POLO-OWWA) habang hinihintay ang kanilang repatriation at employment documents pero nagawa pang ibugaw ang ilan ng mga opisyal ng ilang embahada sa Middle East.
Sinabi ni Estrada na maituturing na heinous offense ang ginawa ng mga sangkot na opisyal at bukod sa parusang dapat ipataw sa kanila ay hindi na ang mga ito dapat makabalik sa public office.
Napaulat na ilang opis yal ng embahada sa Middle East lalo na sa Kuwait ang sangkot sa “sex-for-flight†scheme kung saan pinipilit ang ilang OFWs na makipag-sex kapalit ng ticket pauwi sa Pilipinas.
Bukod pa rito ang opisyal na nagpapatakbo umano ng prostitution rings na nambibiktima sa mga babaeng OFWs na nasa shelters.
Sinabi ni Estrada na maraming OFWs na kaÂramihan ay kababaÂihan ang napipilitang tumakas sa kanilang mga emploÂyers dahil nakaranas sila ng pang-aabuso.
Sa susunod na Kongreso tatalakayin ang naÂtional budget para sa 2014 kung saan makakasama ang budget ng DFA at DOLE.
Kaugnay nito, nagbanta si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman at Akbayan Rep. Walden Bello na magbibitiw sa Kongreso kung hindi mapaÂpanagot ang mga sangkot sa “sex for fly†scheme.
Partikular na tinukoy ni Bello na dapat maparusahan sa pang-aabuso sa mga Pinay OFW ang mga itinuturong opis yal na sina Antonio ng Amman, Jordan, Blas Marquez, na opisyal ng POLO sa Kuwait at isang Mr. Kim na nakabase sa Damascus, Syria.
Ang bantang pagbibitiw ay pagpapakita umano ng protesta dahil sa kawalan ng aksyon ng pamahalaan. (May ulat ni Gemma Garcia)
- Latest