^

Bansa

144 recruits ng militar nagsasanay na

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng 1st Infantry Division na naka-base sa Zamboanga del Sur ang pagsasanay sa may 144 na bagong recruits.

Ang nasabing mga recruit ay isasailalim sa walong buwang jungle warfare at mountain operations course upang testingin ang kanilang kaakmaan at kakayahan bilang isang miyembro ng militar.

Ang pagsasanay ay gagawin sa headquarters ng 1st Infantry Division sa Kuta Cesar Sang-an, Pulacan, Labangan, Zambo­anga del Sur, ayon kay Capt. Jefferson Somera, unit spokesperson.

Dagdag nito, ang 144 recruits na nasa edad 21-26 ay mula sa iba’t ibang probinsya at tribu sa Western Mindanao.

Ang mga ito, ayon pa kay Somera, ay pumasa sa matinding pagsasanay, screening at processing standard na itinakda ng Philippine Army.

CAPT

DAGDAG

INFANTRY DIVISION

JEFFERSON SOMERA

KUTA CESAR SANG

LABANGAN

PHILIPPINE ARMY

PULACAN

WESTERN MINDANAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with