^

Bansa

Nakumpiskang ivory tusks pasagasaan na lang sa pison kaysa sunugin - DENR

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inatasan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB) na baguhin ang naunang plano na sunugin ang mga nakumpiskang puslit na mga elephant tusks o pangil ng elepante.

Sa halip ayon kay DENR Secretary Ramon Paje, pasa­gasaan na lamang umano sa pison hanggang madurog ang mga pangil na maaring gawin sa June 21 sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City.

Ang nasabing plano ay maaring saksihan ng mga foreign experts at anti-ivory trade advocates bilang suporta sa malawakang plano na mabuwag ang iligal na kalakalan ng ganitong uri ng species.

Sa orihinal na plano, may 20 piraso ng ivory tusks ang susunugin sa loob ng limang minuto gamit ang gaas, habang ang malaking volume ay dudurugin gamit ang pison.

Ang paggamit ng gaas o kerosene ay isasagawa base sa rekomendasyon ng Environment Management Bureau.

Nauna nang sinabi ni Paje na ang desisyong wasakin ang mga ivory tusks na pumasok sa bansa ng iligal ay upang ipakita sa buong mundo na hindi ito pinapahintulutan ng Pilipinas.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ENVIRONMENT MANAGEMENT BUREAU

INATASAN

NAUNA

NINOY AQUINO PARKS AND WILDLIFE CENTER

PAJE

PROTECTED AREAS AND WILDLIFE BUREAU

QUEZON CITY

SECRETARY RAMON PAJE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with