HSWs bawal hingan ng placement fees

MANILA, Philippines - Binalaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga placement agencies na nangungolekta ng placement fees sa mga household service workers (HSWs) applicants na matatanggalan ng lisensiya kung hindi nila ititigil ang naturang illegal na gawain. Sinabi ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac na mayroong total prohibition sa charging ng placement fees mula sa mga Filipino HSWs, kahit pa isagawa ito bago ang kanilang pag-alis o kahit pa on-site salary deduction lamang, alinsunod na rin sa POEA Governing Board Resolution No. 6, Series of 2006.

Paliwanag ni Cacdac, ang paglabag sa prohibition sa placement fee collection ay ikinukonsiderang isang grave offense at may katapat na parusang kanselasyon ng lisensya. Iginiit ng administrator na batay sa regulasyon ng karamihang host country, ang mga employer ang magbabayad ng service fee upang balikatin ang lahat ng cost of hiring at deployment ng HSWs.

 

Show comments