MANILA, Philippines - Niyanig ng 4.9 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Ilocos Sur kahapon ng ala-una ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natukoy ang sentro ng pagyanig sa kanlurang bahagi ng Ilocos Sur at ang pagyanig ay bunga ng paggalaw ng faultline sa Mindoro Vigan City.
Bunsod nito, naramdaman ang lindol sa lakas na intensity 2 sa Sarrat, Laoag, Ilocos Sur.
Wala namang naiulat na nasugatan o napinsala sa insidente.