Mga pagbaha masusundan pa
MANILA, Philippines - Nakatitiyak si Senator Loren Legarda na mauulit ang nangyaring pagbaha kamakalawa sa maraming lugar sa Metro Manila kaya nanawagan siya sa gobyerno at mga mamamayan na laging maghanda lalo pa’t nagsisimula pa lamang ang rainy season.
Ayon kay Legarda, maraming ulan pa ang dadalhin sa bansa ng tinatawag na “southwest monsoon†kaya dapat maging vigilante ang lahat at gawin ang kinakailaÂngang pag-iingat.
Dahil mas maraming ulan umano ang nararanasan ngayon ng bansa, dapat maging alerto sa biglang pagbaha hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa ibang lugar sa bansa.
Hindi rin maaring basta na lamang masanay ang mga mamamayan sa baha dahil maaari namang gumawa ng paraan.
Napaulat na mas tumindi ang naranasang pagbaha sa Metro Manila kamakalawa dahil na rin sa tambak ng basura at baradong mga kanal.
Sabi pa ni Legarda, hindi dapat iasa na lamang sa gobyerno ang paglilinis ng basura at dapat tumulong din ang mga mamamayan.
- Latest