Job mismatch sinisisi ng TESDA

MANILA, Philippines - Isinisi ni TESDA Director General  Joel Villanueva sa job mismatch ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang hanap­buhay.

Ginawa ni  Villa­nueva ang pahayag matapos iulat ng National Eco­ nomic Developmet Au­tho­rity na dumami pa ng point 6 percent ang unemployment rate nga­yong taon.

Ayon kay Villanueva, bukod sa job mismatch, masyadong mapili rin ang ating mga kababayan sa paghahanap ng trabaho at hindi sinasamantala ang mga nagbubukas na oportunidad sa bansa.

Iginiit ni Villanueva na importante ang koo­perasyon at partnership ng mga industriya para malaman kung anong hu­­man resources ang ka­­ilangan i-produce ng pa­mahalaan upang ma­kapasok sa trabaho.

Binabalangkas umano ng administrasyon ang Philippine Qualifications Framework at nagsa­sa­gawa ng mas malawakang pag-aaral ang ilang ahensya kung pa­ ano kukumpunihin ang curriculum sa lahat ng levels mula sa DePed, TESDA at CHE courses para magkaroon ng job matching.

 

Show comments