MANILA, Philippines - Patong-patong na kaso ang kakaharapin ng mga dati at kasalukuyang opisÂyal ng Comission on Elections dahil sa umano’y mga problema ng nakaraang 2010 automated elections.
Ito’y makaraang kasuhan ni dating NBN ZTE whistleblower Jun Lozada at mga opisyal ng election watchdog sa tanggapan ng Ombudsman sina dating Comelec chairman Jose Melo, retired commissioners Rene Sarmiento, Nicodemo Ferrer, Armando Velasco at Leonardo Leonida.
Kinasuhan din sina sina Project Management Office (PMO) director Jose Tolentino; Bartolome Sinocruz Jr.; Renato Garcia; Technical Evaluation Committee chairman Denis Villorente at committee members na sina Ferdinand de Leon at Reynaldo Sy gayundin ang ang mga opisÂyales ng Smartmatic-Total Information Management Corporation.
Nakasaad sa reklamo ang umano’y iligal na pagpasok ng Comelec sa kontrata sa automation service provider kahit expire na ang kasunduan nito sa Dominion Voting Systems at wala rin umanong naiÂsagawang pilot testing ng PCOS.