MANILA, Philippines - Maaliwalas ang panahon sa umaga subalit pagdating ng hapon ay makakaranas ng mga pag-uulan sa Metro Manila sa pagdiriwang ng Independece Day ngayong araw bunga ng thunderstorm.
Sinabi ng PagAsa na ang southwest monsoon o habagat naman ay magiging dominante sa weather system ng bansa na makakaapekto sa Southern Luzon at Visayas.
Bunga nito, makakaranas ng maulap na kalaÂngitan na may paminsang minsang pag-ulan ngaÂyong Miyerkoles sa Bicol Region, MIMAROPA at Visayas at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng kalat kalat na pag-ulan.
Katamtaman naman hanggang sa maalon ang mga karagatan sa bansa.