^

Bansa

QSRs binalaan ni Acosta

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala si Laguna Lake Development Authority (LLDA) head Neric Acosta sa mga Quick Service Restaurants (QSRs) na nag-u-operate sa Metro Manila at Calabarzon na sumunod sa mga panuntunan sa wastewater treatment na isinasaad sa ilalim ng Philippine Clean Water Act of 2004, na mismong siya ang orihinal na nag-akda.

Ipinaliwanag ni Sec. Acosta na kung ang wastewater management sa mga Restaurants ay hindi maipapatupad ng maayos, magiging sanhi ito ng malalang polusyon sa Laguna Lake at magi­ging banta sa food security dahil ang naturang lawa ang nagsisilbing source o pinagkukunan ng 70 porsiyento ng suplay ng isda sa Metro Manila.

Ayon kay Sec. Acosta, maaaring malason ang mga isda sa lawa na maaari ring makalason sa mga consumer.

Kaugnay nito, masayang inianunsiyo ni Sec. Acosta ang paglagda ng kasunduan ng LLDA at ng Golden Arches Corporation, na siyang may-ari ng McDonald’s franchise sa bansa para sa phased-in installation ng kumpanya ng wastewater treatment facilities sa mga sangay ng naturang fast-food restaurant sa paligid ng Laguna de Bay Region (LDBR).

Aniya, mag-i-install ang McDonald ng water treatment facilities sa may 45 company-owned branches sa LDBR mula July 2013 hanggang December 2014.

Tiniyak ni Sec. Acosta sa McDonald’s na ang LLDA ay bubuo ng system of incentives upang mahikayat ang compliance sa effluent standards ng Clean Water Act na itinatakda para sa mga Quick Service Restaurants sa bansa.

Pagkakalooban din aniya nila ng lahat ng rasonableng tulong ang korporasyon sa pagtiyak nang maayos na implementasyon ng proyekto.

Binigyang-diin ng kalihim na ang LLDA ay patuloy na kakalap ng commitment mula sa  mga private sectors at iba pang Quick Service Restaurants sa bansa upang matiyak ang pagtalima sa Clean Water Act (Republic Act No. 9275) at tulong sa preserbasyon at rehabilitasyon ng Laguna De Bay Region.

ACOSTA

BAY REGION

CLEAN WATER ACT

LAGUNA DE BAY REGION

LAGUNA LAKE

LAGUNA LAKE DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA

QUICK SERVICE RESTAURANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with