^

Bansa

Huling sesyon ngayon ng 15th Congress

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Balik-sesyon ngayon ang mga senador kung saan inaasahang magtatapos ang 15th Congress habang magbibigay ng kanyang valedictory address ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Bagaman at ito na ang huling araw ng sesyon ng 15th Congress, halos nasa 36 panukalang batas pa ang pipiliting maaprubahan ng Senado bago ito tulu­yang mag-adjourn.

Pagkatapos ng sesyon ngayong araw,  sa Hulyo na muli magbabalik ang mga senador kasama na ang mga nanalong bagong senador noong nakaraang eleksiyon na kinabibilangan nina Senators-elect Bam Aquino, Nancy Binay, Grace Poe, Cynthia Villar, Edgardo Angara, at JV Ejercito.

Inaasahan na rin ang pagkakaroon ng bagong Senate President sa pagpasok ng 16thCongress dahil mas maraming senador na kakampi ng administasyon ang nanalo  sa eleksiyon.

Kabilang naman sa mga panukalang batas na inaasahang ihahabol sa third reading ang ratipikasyon ng extradition treaties sa pagitan ng Pilipinas at ng  Spain, India, at ang United Kingdom.

Isasalang din ang isang panukala na naglalayong palakasin ang food safety regulations sa bansa at ang panukalang maglalalawig sa coverage ng science at technology scholarship program ng gobyerno.

Ipapasa rin sa ikatlo ang huling pagbasa ang ilang lokal na panukalang batas kabilang na ang pagbuo ng bagong probinsiya ng Nueva Camarines.

BAM AQUINO

CYNTHIA VILLAR

EDGARDO ANGARA

GRACE POE

NANCY BINAY

NUEVA CAMARINES

SENATE PRESIDENT

SENATE PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with