^

Bansa

Biding sa plate number binira

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binira kahapon ni dating Cabinet Sec. Robert Aventajado ang naganap na bidding para sa motor vehicles plate supply contract ng Land Transportation Office na napagwagian umano ng JKG (Holland)/Power Plates Devt. Concept at partner nitong Industrias Samart (Spain)/Datatrail noong Miyerkules.

Si Aventajado ay dating presidential adviser on flagship project ng administrasyong Estrada ay isang mataas na opisyal ng RNA Holdings na kabilang sa anim na kumpanyang natalo sa P3.86 bilyong bidding ng LTO para sa mga plaka ng sasakyan.

Pinuna ni Aventajado na dinaan ng Bids and Awards Committee (BAC) sa pangunguna ni  Transportation and Communication Usec. Jose Perpetuo Lotilla sa teknikalidad ang bidding para matiyak  na mababasura ang alok ng anim sa walong pre-qualified bidder kasama na ang RNA Holding na lowest bidder.

Ayon sa BAC, nag-alok ng kabuuang P3.18 bilyon ang JKG/Power Plates at P3.31 bilyon naman ang Samart/Datatrail na halos doble sa alok ng RNA na kabuuang P1.32 bilyon.

Sa naging resulta, malinaw na agad na “nalugi” umano ang taumbayan ng may P2 bilyon matapos ibasura ng BAC ang alok ng RNA Holdings.

Sa pagsusuma, lumalabas na P380/set ang presyo ng plaka para sa “4-wheel vehicle” na isu-supply ng JKG/Power Plates habang P338.05 naman ang presyo ng Samart/Datatrail. Ang mga ito ay halos doble sa alok ng RNA na P163.85/set.

Ayon pa sa RNA, dapat nang maghanda ang mga motorista na magbayad ng doble para sa plaka ng kanilang mga sasakyan sakaling manalo pa rin ang alinman sa dalawang bidder kahit amoy ‘lutong makaw’ ang buong transaksyon.

Sa kanyang sulat kay Lotilla noong Mayo 7, inakusahan din ni Aventajado ang BAC na tumanggap ng mga proposal ng ibang bidder batay sa kanila umanong pagsunod sa isang “non-existent” na ‘international standard.’

Ayon kay Aventajado, walang tinatawag na “ASTM D 4956.8.5” para sa ‘reflective surfaces’ ng mga sasakyan.

AVENTAJADO

AYON

BIDS AND AWARDS COMMITTEE

CABINET SEC

DATATRAIL

INDUSTRIAS SAMART

JOSE PERPETUO LOTILLA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

POWER PLATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with