MANILA, Philippines - Kapit-bisig ngayon ang Manila Water at Department of Public Works and Highways-NCR upang higit na mapaigting ang programang Toka Toka ng naturang kumpanya na magpapalawak sa kaalaman ng publiko tungkol sa tamang pamamahala ng nagamit ng tubig sa Metro Manila.
Sinabi ni Ferdinand dela Cruz, director ng Corporate Strategic Affairs Group ng Manila Water, 58 percent ng dumi sa mga kailugan ay buhat sa mga kabahayan kaya umaabot sa 330,000 toneladang basura ang napupunta sa mga ilog taun-taon kayat ang mga daluyang tubig sa Metro Manila ay maituturing ng “biologically deadâ€.
Binigyang diin ni dela Cruz na makatwiran ang ginawang pakikipagtulungan ng kumpanya sa DPWH dahil higit na maayos na maipatutupad ang mga programang mangangalaga sa ating kapaligiran.