MANILA, Philippines - Mula zero status ay itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and SeismoÂlogy (Phivolcs) sa alert level 1 ang kundisyon ng Bulkang Mayon sa Albay dahilan sa namataang usok at visible crater glow na isang indikasyon ng pagiging abnormal ng naturang bulkan.
Bunsod nito, ipinagbawal na ng Phivolcs ang pagkakaroon ng anumang human activity sa loob ng 6 kilometer radius permanent danger zone tulad ng mountain climbing, pagsasaka, pagkuha ng orchids at ATV tours sa lugar.
Sa latest monitoring ng Phivolcs sa bulkan, sa nakalipas na 24 oras ay mayroong mahina pero may pagluluwa ng bluish na usok na may persistent crater glow na makikita sa gabi.
Ang weak glow na ito umano ay maaaring magpainit ng kapaligiran sa crater dahil sa paglalabas ng magmatic gas.