MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Alan Purisima na kasuhan lahat ang 3,500 gun ban violators na nahuli sa panahon ng election period.
Sinabi ni Purisima na walang dapat makalusot sa mga lumabag sa gun ban maging mga law enforcers man na kinabibilangan ng mga naarestong pulis at mga sibilyan.
Inatasan din ni Purisima ang lahat ng mga himpilan ng pulisya sa bansa na masusing imonitor ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa mga lumabag sa Comelec gun ban na nag-umpisa noon pang Enero 13 at tatagal hanggang Hunyo 12, 2013.
“All arrests made during the election period, at the very least, must result in successful prosecution leading to the conviction of the offender, otherwise, all our efforts shall have been irrelevant,†ani Purisima matapos magsagawa ng command conference sa Camp Crame sa lahat ng mga opisyal ng PNP.
Kaugnay nito, magpapatuloy naman ang crackdown ng PNP laban sa mga loose firearms o mga baril na walang lisensya, mga wanted sa batas, elementong kriminal at maging ang mga Private Armed Groups.